Ni ROBERT REQUINTINA

SA unang pagkakataon sa loob ng 23 taon, rarampa ang isang Filipino-American model sa Victoria’s Secret fashion show, isang taunang magarbong fashion event na tampok ang mga modelo suot ang lingerie at sleepwear ng brand katerno ng magagarang costumes.

“I’m freaking out. Somebody wake me up from the best dream ever,” post ng Fil-Am fashion model na si Kelsey Merritt sa Twitter.

Dumagsa naman ang mga congratulatory messages sa social media nang kumpirmahin ni Kelsey sa Instagram na rarampa siya sa runway ng Victoria’s Secret fashion show ngayong taon.

Tsika at Intriga

Sinamantala ang pagkakataon? Daniel, pinasok daw si Kathryn habang wala si Mommy Min

“WE DID IT PHILIPPINES!!!!!! I’m walking in the Victoria’s Secret Fashion Show 2018!!! Ahhhhhh I can’t believe this!! Thank you soooo much @johndavidpfeiffer, @monica.mitro, @10magazine, and Ed Razek for making my dream come true!!,” sabi niya.

Dagdag pa niya: “But most of all, thank you to all my followers you guys are my rock!!! I couldn’t have done this without you guys. Thank you for your never ending support I LOVE Y’ALL!!!” Una rito, nag-post siya ng call back photos mula sa “VS” audition sa Instagram.

Si Kelsey, 21, na tubong Pampanga, ay isang communication arts graduate sa Ateneo de Manila University sa Quezon City. Kalaunan ay nanirahan siya sa Amerika para tuparin ang kanyang modeling career.

Sa isang interview para sa Preview Magazine, sinabi ni Kelsey mayroon siyang sweet tooth. Sa school, kadalasang suot niya ay sneakers, denim jeans at t-shirt. She loves volleyball and Broadway musicals.

Inilarawan din ni Kelsey ang kanyang sarili bilang isang homebody.

“I don’t like going out. I cannot last out longer than 12 midnight. Plus, I don’t drink and I can’t dance, so what’s the point?! Haha! I would rather stay at home and read a good book than stay out late and get drunk,” ayon sa magazine.

Ang taunang fashion extravaganza ay ang mga naging stepping stone para sa ilang pinakabigating fashion models sa mundo. Ilan sa mga dati at kasalukuyang “VS” models ay sina Adriana Lima, Tyra Banks, Alessandra Ambrosio, Gigi Hadid, Kendall Jenner, Miranda Kerr, Taylor Hill, Jasmine Tookes, Lily Aldridge at Liu Wen.

Siyam sa mga modelo na rumampa sa 2015 fashion show ay nakapasok sa listahan ng Forbes ng world’s 20 highest-paid models noong 2016. Bukod sa pagiging “VS” Angel, ang mga modelo ay nagiging ambassadors ng ilang popular brands sa buong mundo.

Inaasahang kikita si Kelsey ng six-figure salary.

Noong 2017, ang highest-paid Victoria’s Secret model ay ang Brazilian model na si Adriana Lima na kumita ng $10.5 million (roughly P525 million) noong 2016.

Noong 2016, nag-audition ang beauty queen-turned-fashion model na si Janine Tugonon sa Victoria’s Secret Fashion Show ngunit nabigo siyang makapasok sa final round ng popular lingerie runway extravaganza.

Noon ay isa si Janine sa daan-daang modelo na nag-audition para sa fashion show, na ipinalabas noong December 2016. Nakapasok siya sa second round ng callbacks kasama ang 29 na iba pang fashion models.

Si Janine, na Miss Universe 2012 first runner-up, ang naging unang Pinay na natampok sa commercial ng Victoria’s Secret’s Pink, na ang market ay mga babaeng college students na edad 13 hanggang 22.

Nag-pose na rin si Janine ng nude sa kanyang shoot nang magwagi siya ng modeling contact kasama ang 11 iba pa, na makikita naman sa isang art calendar. Ang photo shoot ay isinagawa ng tanyag na fashion photographer na si David Belllemere sa Dominican Republic.

Noong 2017, ang global net sales ng Victoria’s Secret ay tinatayang umabot sa US$7.39 billion.