Ni NITZ MIRALLES

PUNO ng emosyon ang Instagram (IG) post ni Robin Padilla kasunod ng pagkakasuspinde sa kanyang Facebook account. Kasunod nito, na-disable na rin ng aktor ang IG account niya, kaya wala nang paraan ang kanyang supporters to reach out to him.

Post ni Robin: “Sa ngalan ng nag-iisang Panginoong Maylikha, ang pinakamapagpala at pinakamahabangin. Ang araw na ito ay nagtagumpay ang mga uhaw sa kapangyarihan, lalo ang mga nagpapanggap na mga rebolusyonaryo. Nawala po sa Facebook ang aking official account.

“Paumanhin sa aking mga tagasunod lalo sa Katipunan. Mawala man po itong aking Instagram account, tandaan ninyo, mga kapanalig, ang ating mga naging aral at ang ating mga adhikain. Wag na wag po ninyong kakalimutan kung saan nanggaling ang inyong ugat! Hindi tayo mga Alipin ng kahit na sino.

Teleserye

Mon Confiado, nag-react sa sinabi ni Herlene Budol na nakakatakot siya

“Hindi ako kailanman namulitika! Ang lahat ng aking mungkahi, opinyon, at posisyon ay hindi para kanino kundi para sa Inangbayan!

“Pansamantala hindi ko maipagtanggol ang boses ninyo mga mahal kong kababayan sinubukan ko na harapin si (Senator Sonny) Trillanes kahit sa isang radio program, habang ako ay tinitira niya sa ere, ngunit hindi ako pinayagang makasagot ng aking mahal na Kapamilya. Ipagdasal po natin ang Haringbyang katagulan ng Pilipinas. Mabuhay kayo at ang ating panata!”

Matatandaang nag-viral ang Facebook live si Robin habang nasa labas siya ng Senado at inaabangan ang pag-aresto kay Trillanes, ilang oras makaraang bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya ng senador, na iginawad ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Mahaba pa ang usaping ito, kaya abangan natin ang update ni Robin, na posibleng sa IG na lang natin makikita, dahil suspendido na nga ang Facebook account niya.