August 10, 2026

Home SHOWBIZ

‘This means a lot!’ Awra, dinrawing ng gwapong boylet

‘This means a lot!’ Awra, dinrawing ng gwapong boylet
Photo Courtesy: Awra Briguela (FB)

Tila walang pagsidlan ang saya ni TV at social media personality Awra Briguela sa ibinahaging talento ng isang cafe crew  member.

Sa latest Facebook post ni Awra sa kaniyang personal account nitong Lunes, Agosto 10, ikinuwento niyang nasa paborito spot siya ng school nila nang ibigay ng crew ang portrait nito sa kaniya.

“Sometimes the smallest acts of kindness leave the biggest impact. Grabe, I was just having lunch at my favorite spot in school when one of the new cafe crew members gave me this portrait,” saad ni Awra.

Dagdag pa niya, “ He told me he drew it during his free time because he always noticed me eating there. Thank you for sharing your talent with me. This means a lot.”

Matatandaang kamakailan lang  ay kaliwa’t kanang batikos na naman ang hinaharap ni Awra matapos niyang maipagkamali ang komento ng netizen na may intensyon palang tumulong.

Tsika at Intriga

'Papunta na tayo sa exciting part!' Apple David, may sinampolan ng kaso?

Kaya naglabas siya ng panibagong statement para magpaliwanag at akuin ang pagkakamali niya.

Ayon kay Awra, sobrang nahiya raw siya nang mapagtantong mali ang pagkakaunawa niya sa sinabi ng netizen.

Samantala, ilang buwan bago ito, nakatanggap si Awra ng nakakabastos na komento mula sa isang propesor ng isang pamantasan sa Maynila. 

Dahil dito, sinabi niyang pinag-iisipan na niya ang pormal na pag-uulat ng insidente sa administrasyon ng pamantasan at ang pangangalap ng mga salaysay mula sa iba pang indibidwal na posibleng nakaranas din umano ng hindi wastong pagtrato mula sa propesor.

Kaugnay na Balita: Awra, nagpaliwanag matapos pag-initan netizen na nag-alok ng tulong sa kaniya