August 03, 2026

Home SHOWBIZ

Awra, nagpaliwanag matapos pag-initan netizen na nag-alok ng tulong sa kaniya

Awra, nagpaliwanag matapos pag-initan netizen na nag-alok ng tulong sa kaniya
Photo Courtesy: Awra Briguela (FB)

Ipinaliwanag ni TV at social media personality Awra Briguela ang kaniyang panig matapos ang aniya’y bastos na sagot niya sa komento ng isang netizen na nag-aalok pala ng tulong.

Sa isang deleted comment kasi sa kaniyang vlog kung saan mapapanood ang trip ni Awra sa Vietnam, isang netizen ang nag-alok ng tulong para magsilbi sanang interpreter niya.

Ngunit naipagkamali niya ito bilang bashing, kaya pabalang niyang sinagot ang komento.

"feeling hindi ka nga nakapag-highschool," saad ni Awra.

Sagot naman ng netizen, "I can speak Vietnamese. That's what I meant." 

Relasyon at Hiwalayan

Jericho, Janine 'di loveteam ang turing sa isa't isa

Kaya naglabas siya ng panibagong statement sa comment section para magpaliwanag at akuin ang pagkakamali niya.

Aniya, “Sa sobrang dami pong bash na natatanggap ko araw-araw, naging automatic na po ang initial reaction ko na lumaban o sumagot pabalik. Minsan, hindi ko na namamalayan na hindi na pala pangba-bash ang isang comment at sincere lang pala ang taong gusto akong tulungan.”

“As you can see naman po sa comment section, marami pong nangba-bash sa English at grammar ko at may mga nagsasabing mukhang hindi raw ako nag-aaral. Dahil doon, mali ang naging interpretation ko sa comment niya. Akala ko po pinapahiya niya ako at sinasabing kailangan ko ng interpreter dahil sa English ko,” dugtong pa ni Awra.

Ayon sa kaniya, sobrang nahiya raw siya nang mapagtantong mali ang pagkakaunawa niya sa sinabi ng netizen.

Inako naman ni Awra ang pagkakamali at nangakong magiging mabuti sa mga susunod na pagkakataon.

“I promise to do better moving forward,” sabi niya. “I will be more mindful, think before I speak or reply, and make sure I understand someone’s intentions first before reacting. Again, I’m truly sorry.”

Matatandaang noong Mayo ay nakatanggap si Awra ng nakakabastos na komento mula sa isang propesor ng isang pamantasan sa Maynila. 

Dahil dito, sinabi ni Awra na pinag-iisipan na niya ang pormal na pag-uulat ng insidente sa administrasyon ng pamantasan at ang pangangalap ng mga salaysay mula sa iba pang indibidwal na posibleng nakaranas din umano ng hindi wastong pagtrato mula sa propesor.

Maki-Balita: UdM, iimbestigahan propesor na lumait kay Awra