Ni Nitz Miralles
DEDMA at keber lang si Lovi Poe sa negative comments na natanggap niya sa pagrampa niya sa Bench Fashion Week, dahil napaka-daring ng suot niya na gawa ng Bench Active Wear. Kita naman sa picture kung gaano ka-sexy si Lovi.
As of Saturday ay may 169,813 likes na at 1,362 comments ang nasabing sexy photo ni Lovi. Pati sina Iza Calzado, Coleen Garcia, Isabelle Daza, K Brosas, Megan Young, at iba pang celebrities ay napa-comment sa paghanga sa aktres.
Pinakapanalo naman ang comment ng broadcaster na si Karen Davila: “Grabe ka! Cyborg perfection levels!”
Kabilang sa mga nega comments kay Lovi ay skinny daw siya at wala raw curves. May nag-comment pa parang bakla raw si Lovi dahil wala raw hips, walang boobs, at may tumawag pa sa kanyang masagwa.
Disappointed tiyak ang bashers, dahil dedma lang sa kanila ang aktres.
Samantala, dumalo si Lovi sa 50th birthday party ni Sen. Grace Poe noong September 3, na ginawa sa White Space sa Makati. Ang gandang basahin ng message ni Lovi para sa kapatid niya.
“It’s so true what they say, that death ends a life, not a relationship. When Papa passed away, you became my father-figure big sister, even if I was shying away from it. I may not say it often nor show it, but you filled the gaps in my life only you can fill. Happy Birthday, Ate! I love you.”
Samantala, may cameo si Lovi sa 72 Hours episode ng action movie na Tres ng ex-boyfriend niyang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla. Si Rhian Ramos ang leading lady ni Jolo sa movie, na showing na sa October 3.