PUPUNTA sa bansa si Minzy, ang dating miyembro ng popular na South Korean girl group na 2NE1, sa Setyembre 8.

Magtatanghal ang solo artist sa opening ceremony ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP) Season 81, na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

“Hi Philippines, I will be seeing you soon in Manila on September 8. I will be there to support the UAAP teams. I’m going to perform some songs for you guys, so don’t miss it,” sabi ni Minzy sa isang promotional video na ipinost ng events organizer na Happee Sy.

Bukod kay Minzy, magpe-perform din ang K-Pop group na Momoland sa naturang event.

Kilala si Minzy sa kanyang mga kantang Superwoman at Ninano. Nag-debut siya noong 2009 bilang miyembro ng 2NE1 kasama sina CL, Bom, at Dara. Naging solo artist siya noong 2016.

Relasyon at Hiwalayan

Derek yarn? Jellie Aw, nag-iiba ang paningin kapag binibigyan ng pera ni Jam Ignacio

Manila Bulletin Entertainment