August 11, 2026

Home BALITA

Sen. Robin, nais panagutin ng hanggang 20 taon mga gov’t personnel na magsisinungaling sa congressional inquiries

Sen. Robin, nais panagutin ng hanggang 20 taon mga gov’t personnel na magsisinungaling sa congressional inquiries
Photo courtesy: Senate of the Philippines/FB


Ipinanukala ni Sen. Robin Padilla ang Senate Bill No. 610, o ang “Truthful Congressional Inquiry Act,” na siyang magpapanagot para sa mga tauhan ng gobyerno na magbabahagi ng hindi makatotohanang mga pahayag o gawa-gawang mga ebidensya sa gitna ng congressional inquiries.

Sa nasabing panukala, pananagutin ang isang government personnel na mapatutunayang hindi magsasabi ng katotohanan—kung saan maaari siyang makulong sa loob ng 10 taon.

Maaari naman itong umabot sa 20 taon kung siya ay mula sa government agencies gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Corrections (BuCor), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at iba pa.

Sakop din ng ng panukala ang multang aabot sa ₱3 milyon, “perpetual disqualification from holding elective or appointive government positions,” at “restrictions on eligibility for executive clemency.”

Para sa mambabatas, nararapat lamang daw na humarap sa mas mabigat na parusa ang mga personnel ng pamahalaan, na siyang magsisinungaling sa gitna ng inquiry o imbestigasyon.

National

Gobyerno, 'di kakayaning magtrabaho nang magtrabaho kung pabaya nang pabaya ang taumbayan—Palasyo