Ipinaliwanag ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang dahilan sa likod ng magkasalungat na ugali nila ng sisteret niyang si Alex Gonzaga.
Nahagip kasi sa latest episode ng podcast na “Unshaken with Gary V” noong Lunes, Agosto 10, ang tungkol sa pagiging konserbatibo ni Toni.
Usisa tuloy ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, “What was your childhood like? I mean, was it like Alex? Was Alex always like that? You know, up and about, jolly, making people laugh. What were you like?”
“Very disciplinarian ‘yong daddy ko sa akin,” sagot ni Toni. “I think, nag-relax siya kay Alex kasi nakita niya kung paano ako naging so careful with my life. Parang he ingrained in me ‘yong word of God bata pa lang.”
“And then I remember he would always tell me about this verse kasi nakita niya na goal-driven ako, may pangarap ako, lagi niyang sinasabi sa akin, ' Obey your parents and the Lord. So that everything will go right with you,” dugtong pa niya.
Ngunit nilinaw naman ni Toni na disciplinarian ang erpat niya, not in a hurtful way but in a loving way. Nakita raw kasi nito na bet niyang mag-artista.
Dagdag pa niya, “Sinabi niya [ng father ko] na it’s a different world. It’s a different jungle that you’re going to enter. So I have to equip this girl para ‘di siya maligaw.”
Kaya naman nang mapansin umano ng erpat nina Toni at Alex na tila nagiging anti-social ang panganay nila, medyo naging maluwag na sila sa kanilang bunso.
Matatandaang patok si Alex sa paggawa ng kung ano-anong kalokohan sa kaniyang social media accounts.
In fact, sa isa niyang video na ibinahagi sa Instagram ay makikitang “sinabunutan” siya ng kaniyang ina dahil sa ginawa niyang prank.
Hindi tuloy maiwasan ni Toni na mahiya sa mga ginagawa ng sisteret niya. Base ito sa resulta ng lie detector test na sinalangan niya noong Enero 2024 sa vlog ng social media personality na si Viy Cortez.
Maki-Balita: Toni, ikinahihiya mga pinaggagawa ni Alex