MAY third party palang nagpalubha sa away nina Bianca Umali at Kyline Alcantara na muling mapapanood na magkasama sa Daig Kayo ng Lola Ko na may episode title na “Dobol, Tripol Dobol”.
Sila ang featured artist ngayong buwan na magsisimula na sa Linggo, September 9.
Ito ang susunod na appearance ng dalawang Kapuso teenstars pagkatapos ng Kambal Karibal, bilang pagbibigay ng GMA-7 sa kahilingan ng kanilang fans na muli silang pagsamahin sa isang show.
This time, hindi na sila basta kambal lang kundi kambal-tuko o conjoined twins.Kontrobersiyal ang nagaganap na away nina Kyline at Bianca na extended na sa kanilng fans.
Habang naglalabasan ang photos na kuha sa taping ng kanilang bagong show at ang write-ups na nagkabati na sina Bianca at Kyline, iniintriga ng ibang writers na nagpaplastikan lang daw ang dalawa.
Sadyang ganyan sa showbiz, dahil yata mas marami ang nagiging interesado sa away kaysa nagkakasundong mga artista.
Pero may bagong version ang source namin, may third party palang nanggatong kaya uminit nang uminit ang conflict ng dalawa.
Extra challenge sa reporters hanapin kung sino ang na
-DINDO M. BALARES