Naliligo sa sariling dugo at tadtad ng tama ng bala sa katawan ang isang customs broker at misis nito sa loob ng kanilang bahay sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Makati Medical Center sina Garry Gabriel y Garcia, 38, customs broker; at Imee Gabriel y Eusebio, 39, kapwa nakatira sa No. 1874 P. Domingo Street, Barangay Carmona, Makati City.

Si Garry ay nagtamo ng tama ng bala sa kanang sintido habang si Imee ay may tama ng bala sa kaliwang dibdib at ulo.

Sa inisyal na ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD) mula sa Makati City Police, naganap ang pamamaril sa loob ng bahay ng mag-asawa, dakong 2:00 ng madaling araw.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Sa imbestigasyon, papaalis na ang mga biktima patungong Pasay City nang makarinig ang mga residente ng mga putok ng baril mula sa loob ng bahay ng mag-asawang Gabriel.

Dito natagpuang duguan ang mag-asawa at isinugod sa naturang ospital subalit huli na ang lahat.

Sa ocular inspection ng Scene of the Crime Office (SOCO) ng SPD, narekober ang isang Glock 19, caliber .9mm, at mga basyo ng bala.

Nagsasagawa ng imbestigasyon at follow-up operation sa insidente.

-Bella Gamotea