NAGBIGAY na ng pahayag ang staff ng ‘Tawag ng Tanghalan’ sa It’s Showtime tungkol sa balitang hindi pa natatanggap ng dating ‘Tawag ng Tanghalan’ contestant na si Carl Malone Montecido ang talent fee na kanyang naipon mula nang sumali sa nasabing programa.

Carl Malone copy

Nagkaroon ng ingay tungkol dito nang mag-post sa social media ang director na si Paul Ballano. Ayon sa kanyang post, naawa siya sa sinapit ng singer kahit na may napanalunan ito at umabot pa nga sa grand finals. Ayon sa kanya, hindi raw nakuha ni Carl Malone ang kanyang TF (talent fee) dahil may mga kailangan pang papeles.

Ipinost din niya ang usapan ng isang ABS-CBN employee noong nakaraang taon ngunit hindi gaanong sumagot ang empleyado.

Hajji Alejandro, partner magdiriwang sana ng 27th anniversary

Mabilis namang umaksiyon ang Kapamilya network at nilinaw na matagal nang nai-release ang TF ni Carl, ngunit wala umanong kumukuha. Nang makapanayam naman ng PEP si Direk Paul, sinabi niyang inaksiyunan kaagad ni Direk Laurenti Dyogi ang isyu.

“Isa sa mga umaksyon nito ay si Direk Laurenti Dyogi, assured na aasikasuhin ito and they did. They were saying na hindi two years bago nakuha ang prizes. May balance lang daw sa mga TF nu’ng bata from TV shows and mall shows yata. Authorization letter na lang ang hiningi nila para makuha na ‘yung TF ni Carl.”

Sa huli ay nakuha rin ng pamilya ni Carl ang kaukulang TF.

Samantala, nagbigay naman ng statement ang pamunuan ng It’s Showtime tungkol sa isyu.

“May unclaimed TF siya, yes, pero ito ay dahil ang resibo niya ay nasa kanya at gusto niya sila ang mag-claim. We offered for the longest time na magka-authorization na lang pero ayaw ng finance na kami so need ng kamag-anak. Nasa tito na ang authorization for the longest time pero ‘di niya maharap kunin. As of today, nakuha na ang pending TF sa cashier, all TV TFs na unclaimed since 2017.”

Dagdag pa rito, may mga pending pa na TF si Carl mula sa ilang mall shows dahil napaso (expired) na ang tseke dahil nga hindi niya kaagad nakuha ang mga ito.

-ADOR SALUTA