TADTAD ng saksak ang isang character actor sa FPJ’s Ang Probinsiyano nang madiskubre ang kanyang bangkay sa Silang, Cavite, nitong Miyerkules.

Arnold Corpuz

Arnold Corpuz

Ang biktima ay kinilala ng Silang Municipal Police na si Arnold Corpuz, 38, ng Barangay Biga 1, Silang.

Binanggit ng mga kaanak ni Arnold sa mga imbestigador na hindi na nila ito ma-contact simula nitong Lunes.

Tsika at Intriga

Janice, tikom ang bibig sa isyu nina John at Priscilla

Makalipas ang dalawang araw, sapilitan na nilang pinasok ang bahay ng biktima, na nagresulta sa pagkakadiskubre sa krimen.

Ayon sa pulisya, nakamedyas at nakasuot lang ng pang-ibabang damit si Arnold nang matagpuan ang bangkay nitong tadtad ng saksak.

Sinabi ng pulisya na nawawala ang dalawang cell phone at ilang alahas ni Arnold, habang natagpuan sa balkonahe ng bahay ang ilang bote ng alak at tatlong baso.

Ayon sa mga kaanak ni Arnold, mag-isa lang itong nakatira sa nasabing bahay, bagamat madalas itong tumanggap ng mga bisita.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung sinu-sino ang naging bisita ni Arnold bago nangyari ang krimen, at kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Bukod sa Ang Probinsiyano ni Coco Martin, napanood din si Arnold sa mga teleseryeng Bagani at Be Careful With My Heart, pawang sa ABS-CBN.

-FER TABOY