August 27, 2026

Home SHOWBIZ

Bea Borres sa pagpanaw ng kaniyang driver: 'I found a best friend and a father in you'

Bea Borres sa pagpanaw ng kaniyang driver: 'I found a best friend and a father in you'
Bea Borres/IG, FB

Nagluksa ang social media personality na si Bea Borres sa pagpanaw ng kaniyang malapit na driver na si "Kuya Alex."

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Agosto 27, ibinahagi ni Bea ang isang video kung saan mapapanood reaksyon ni Kuya Alex nang una niyang makita ang kaniyang anak na si Victoria Hope.

"[Y]ou were more than just a driver to me. i found a best friend and a father in you. i love you, kuya alex. thanks for everything," saad ni Bea sa caption.

Gayunpaman, wala sinabing dahilan si Bea kung ano ang ikinamatay ng kaniyang driver. 

Kung babalikan, madalas lumabas si Kuya Alex sa mga vlog ni Bea. 

Pelikula

MTRCB, hinarang ang pelikulang ‘Tatsulok Trilogy’ dahil sa pekeng permit