Sa pangatlo at pinal na pagbasa, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 7373 o ang “Green Building Act,” na layuning mabawasan ang epekto ng climate change at mapreserba ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punong-kahoy sa itatayong residential, commercial , industrial, at public buildings.
Inoobliga ang lahat ng aplikante ng building permits sa residential, commercial, industrial at public development projects na magsumite ng Tree Planting Plan, bukod pa sa ibang requirements na hinihingi ng local government units.
-Bert de Guzman