August 24, 2026

Home BALITA National

OVP, nakapag-tree planting nitong 2026 kahit walang confidential funds

OVP, nakapag-tree planting nitong 2026 kahit walang confidential funds
MB FILE PHOTO, INDAY SARA DUTERTE/FB

Ibinala ni Private Prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan ang tree planting activity ng Office of the Vice President (OVP) sa pagkalkal ng umano'y maanomalyang paggamit ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Sa pagpapatuloy ng ika-17 araw ng impeachment trial ni VP Sara nitong Lunes, Agosto 24, iginiit ni Ligutan na nagawang makapag-tree planting ng OVP nitong 2026 bagama't wala silang confidential funds ngayong taon. 

“Despite on the absence of confidential funds, nakapag-tree planting, in God’s grace nakapag-tree planting ang Vice president nang ligtas at walang untoward incident,” saad ni Ligutan.

Giit naman ng hostile witness na si Gina Acosta na siyang dating special disbursing officer (SDO) ng OVP, “Hindi ko alam your honor.”

Batay sa ipinakitang ebidensya ni Ligutan, makikitang nakapagsagawa ng tree planting ang OVP noong Agosto 13, 2026. 

National

'Kahit walang sugat!' Eksperto, nagbabala hinggil sa leptospirosis!

Ito ay nag-ugat matapos masama ang tree planting activities sa mga programang pinaglaanan umano ng opisina ni VP Sara ng kanilang confidential funds sa mga nakaraang taon.

Matatandaang noong mga nakaraang pagdinig, opisyal na nakumpirma ang tree planting sa mga kasama liquidation reports noong 2022. Bukod sa naturang aktibidad, kabilang din sa natukoy ang wheelchair distribution, libreng-sakay at Christmas party.