Inihayag ng Department of Health (DOH) noong Linggo, Agosto 23 na para sa mga ospital na napuno na dahil sa pagdagsa ng leptospirosis, maaaring makipagtulungan ang kanilang pamunuan sa Operation Center ng Health Emergency Management Bureau (HEMB) sa pamamagitan ng Leptospirosis Bed Tracker System.
Sa naturang pahayag din, tiniyak ng DOH na patuloy nilang binabantayan ang patuloy na pagdagsa ng leptospirosis upang masiguradong makatatanggap ng naaayon na pag-aalaga ang bawat pasyente.
Samantala, hinihikayat ng ahensya ang mga lumusong sa baha na agad magpakonsulta sa DOH facilities at YAKAP Clinics para sa karampatang paggagamot.
Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na kadalasang nakukuha sa tubig na kontaminado ng ihi ng mga infected na hayop tulad ng daga.
MAKI-BALITA: PCO nagbabala sa leptospirosis habang patuloy ang pag-ulan, pagbaha
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), kung hindi maaagapan agad, ang leptospirosis ay maaaring magdulot ng kidney damage, liver failure, at meningitis–na isang sakit na nagdudulot ng pamamaga sa parte ng membrane na responsable sa proteksyon ng utak at spinal cord.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga dapat tandaan matapos sumuong sa baha