SI Mark Reyes pala ang magdidirek ng bagong teleserye ng GMA Network, ang Cain at Abel. Ito pala ang sinabi niya noon na after ng The Cure ay may naka-schedule na siyang gagawin na bagong teleserye GMA 7.
Last Friday, ginanap na ang story conference ng bagong serye na tatampukan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Drama King Dennis Trillo.
Based sa photos na lumabas, bukod kina Dingdong at Dennis, na twice nang nagkasama before sa Twin Hearts at Endless Love sa GMA 7, magiging leading ladies nila sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez. Kabilang din sa cast sina Chanda Romero, Carlo Gonzales, Ronnie Henares, Boy 2 Quizon, at maraming iba pa. Isa pang malaking proyekto ito ng GMA7, na magtatampok sa dalawa sa biggest stars ng network.
Sino kaya kina Dingdong at Dennis ang gaganap na Cain at Abel? Based sa kuwento sa Bibliya, si Cain ang masamang kapatid at si Abel ang mabait.
Pero sabi nga, ang Cain at Abel ay title lamang ng serye, pero iba ang mga character names nila sa story. Hindi pa rin malinaw kung action o drama serye ito. Wait na lamang natin kung kailan sila magsisimula ng taping at kung sinu-sino pa ang bubuo sa cast.
-NORA V. CALDERON