ISANG 21-year-old engineering graduate ang kinoronahang Mr. Philippines Grand International 2018, sa inaugural pageant sa Quezon City, kahapon ng umaga.

STAND-OUT! Nagpakuha ng larawan si Mr. Philippines National Director Gareth Blanco (gitna) kasama ang anim na kalahok na nagwagi sa Mr. Philippines 2018 pageant, sa Quezon City, kahapon. (ROBERT REQUINTINA)

STAND-OUT! Nagpakuha ng larawan si Mr. Philippines National Director Gareth Blanco (gitna) kasama ang anim na kalahok na nagwagi sa Mr. Philippines 2018 pageant, sa Quezon City, kahapon. (ROBERT REQUINTINA)

Tinalo ni Kenneth B. Sadiang-abay, ng General Santos City, ang 34 na iba pang lalaking kalahok sa paligsahan, na layuning makatulong labanan ang drug addiction.

Sa final question-and-answer portion, tinanong si Sadiang-abay kung ano ang ikinaangat niya sa iba pang kalahok sa pageant. Ang sagot niya: “My edge is I have the discipline and determination to prove my personality.”

Events

Emilio Daez sa pagka-evict sa PBB: 'Kuya, ako nga pala yung sinaing mo'

Ito ang unang pagkakataong sumali si Sadiang-abay sa isang national pageant. Nagtapos siya ng marine engineering sa Mindanao Polytechnic College.

Ngayong siya na ang reigning Mr. Philippines Grand International, sinabi ni Sadiang-abay na nais niyang i-promote ang karapatan ng mahihirap na bata sa kanyang probinsiya. Dahil may height na 6’1”, fan din si Sadiang-abay ng basketball.

Samantala, ang iba pang nagwagi ng major awards ay sina Junebrix Nuestro, ng Rodriguez, Rizal, na siyang nakasungkit sa Mr. Philippines National Universe title; at Kenley Filarca bilang Mr. National Universe Ambassador.

Ang iba pang wagi sa timpalak ay sina Marcky Avellana Him, ng Taytay, Rizal, bilang Mr. Philippines Tourism International; Marvin Valve, ng Ilocos Sur, bilang Mr. Philippines Tourism Ambassador International; Nico Angelo dela Paz, ng Marikina City, bilang Mr. Philippines Model of the World; at Clark Vhermel Bautista, ng San Mateo Rizal, bilang Mr. Philippines Teen Universe.Naiuwi naman ni Diether Covey Dolinog first runner-up honor; second runner-up si Francis John Crudo; 3rd runner-up si Emmanuel Calisin; at 4th runner-up si Ephraim Paul Paran.

Si Nuestro, estudyante sa STI College Dasmariñas, ang runway winner para sa special awards nang masungkit niya ang Best In National Costume, Mr. Photogenic, Best In Formal Wear, at Mr. I-Skin Philippines.

“Our contest will become a platform to resolve social, cultural and sexual differences, promote the welfare of the Filipino youth in discovering their talent, and foster camaraderie and peace among men,” pahayag ni Gareth Blanco, ang national director ng Mr. Philippines pageant.

-ROBERT R. REQUINTINA