PBA Commissioner’s Cup, sisikwatin ng Ginebra Gin Kings?

Laro Ngayon

(MOA Arena)

7:00 n.g. -- San Miguel vs Ginebra

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Best-of-seven, Ginebra (3-2)

(Game 1, GSM 127, SMB 99)

(Game 2, SMB 134, GSM 109)

(Game 3, SMB 132. GSM 94)

(Game 4, GSM 130, SMB 100)

(Game 5, GSM 87, SMB 83)

HANDA na ang piging para sa isang pagdiriwang. Naghihintay na ang pondahan para sa masayang kasiyahan.

Target ng Barangay Ginebra Kings – ipinapalagay na pinaka-popular na koponan sa pro league – na selyuhan ang dominasyon at agawan ng korona ang San Miguel Beermen sa pagsikad ng krusyal na Game 6 ngayon sa PBA Commissioner’s Cup best-of-seven championship sa MOA Arena.

Tangan ng Kings ang 3-2 bentahe matapos ang manipis na 87-83 panalo sa Game 5 nitong Linggo.

“Kukunin na namin ito. Pag-umabot ng winner-take-all, mahirap nang magsalita,” pahayag ni Ginebra star guard LA Tenorio.

Tunay na may kakayahang makabawi ang Beermen sa taglay na karanasan para makahirit ng do-or-die, ngunit buo ang kumpiyansa ng Kings bunsod nang malaking panalo sa Game 4 at makalusot sa makapigil-hiningang duwelo sa Game 5.

“Magkasunod yung panalo namin, kaya medyo kumpiyansa ang tropa,” ayon kay Tenorio.

Nakatakda ang duwelo ganap na 7:00 ng gabi.

Sa kabila ng katayuan, walang dahilan para ma-pressure si reigning 4-time league MVP at 7-time Best Player of the Conference Junemar Fajardo.

“Kailangan lang namin mag-regroup, medyo nakapagpahinga na kami at tiyak babawi kami. Mahirap pero nandito kami sa ganitong sitwasyon before, so siguro kaya naman namin gawin ulit ‘yun,” pahayag ni Fajardo, patungkol sa pamosong ‘Beeracle’ noong 2016. “Mahirap pero kailangan talaga ibigay namin yung pinaka-best naming. Kailangan all-out talaga,” aniya.

Kinatigan ni Arwind Santos ang naturang pahayag ni Fajardo.

“Di pa naman tapos di ba? Sabi nga ng bawat isa sa amin, yung 0-3 nakasurvive kami, ito pang isang panalo lang, diba,”ani Santos na tumutukoy din sa kanilang historic ‘Beeracle’ run kontra Alaska noong 2016 Philippine Cup Finals.

At hindi naman ito lingid sa kaalaman at lalong hindi ipinagwawalang bahala ng Kings kaya kung mabibigyan anila sila ng pagkakataon ay hindi na nila paaabutin ang laban ng Game 7.

“On Wednesday dapat, do-or-die game again for us. Yun dapat yung mindset.”

-MARIVIC AWITAN