PUMANAW na ang Pawn Stars patriarch na si Richard Benjamin Harrison, na kilala bilang “The Old Man,” sa edad na 77.

Richard Harrison ng

Richard Harrison ng "Pawn Stars." (AP)

Nag-post ang Gold & Silver Pawn’s Facebook page nitong Lunes na kapiling ni Richard ang kanyang “loving family” nitong nakaraang linggo nang bawian siya ng buhay.

Sabi sa post, maaalala raw ng fans si Harrison bilang isang “grumpy (always loving, however), often wisecracking, and voice of absolute reason” sa History Channel reality show.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Binuksan ng Navy veteran ang Gold & Silver Pawn store sa Las Vegas katuwang ang kanyang anak na si Rick. Unang umere ang Pawn Stars noong 2009 at tampok dito si Richard na nakikipagnegosasyon sa mga kustomer, na nagtatangkang magbenta o magsangla ng mga bagay na kadalasan ay kakaiba o kaya naman ay may historic value.

-Associated Press