August 16, 2026

Home BALITA Probinsya

8 timbog sa 'di dokumentadong fishing vessel, 'di awtorisadong paglipat ng produktong petrolyo

8 timbog sa 'di dokumentadong fishing vessel, 'di awtorisadong paglipat ng produktong petrolyo
Photo courtesy: PCG


Inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong indibidwal sa Barangay Makawayan, Tingloy, lalawigan ng Batangas noong Sabado, Agosto 15, matapos madiskubre ang umano’y hindi dokumentadong fishing vessel at hindi awtorisadong paglipat ng mga produktong petrolyo.

Batay sa ulat na ibinahagi ng PCG nitong Linggo, Agosto 16, rumesponde ang kanilang personnel matapos mapag-alamang nagkaproblema ang makina ng vessel.

Habang ito ay iniinspeksyon, isiniwalat umano ng isang crew member na hindi ito dokumentado—pati na rin ang sakay-sakay nitong petrolyo.

Dahil dito, nagsagawa sila ng imbestigasyon ukol sa kaduda-dudang paglilipat ng naturang produkto.

Ayon sa tala ng ahensya, mayroong 5,000 litro ng diesel sa nasabing vessel—4,000 bilang cargo, at 1,000 para sa mismong pagkonsumo nito.

Probinsya

Anak ng barangay captain, binoldyak matapos makasama sa ₱20k-scholarship aid!

Posibleng humarap sa reklamo ang walong indibidwal kaugnay ng nasabing insidente, batay pa rin sa PCG.

“Subject to investigation, the apprehended individuals may face possible violations of the Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863), the National Internal Revenue Code provisions on fuel marking, and Batas Pambansa Blg. 33, as amended by Presidential Decree 1865, on the illegal trading of petroleum products,” anang ahensya.

Sa kasalukuyan, ang mga nasakoteng indibidwal ay nasa ilalim ng kanilang kustodiya.

“Through its Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) Program, the PCG continues to strengthen maritime law enforcement and prevent the unauthorized transport, transfer, and sale of petroleum products within Philippine waters,” pagtatapos ng PCG.