SA ikatlong yugto ng action-packed GMA FantaSeries na Moribito: Final, isang malaking kaguluhan ang mamumuo sa apat na kaharian: ang Yogo, Kanbal, Rota, at Talsh. Makikipagsapalaran ang tagabantay na si Balsa (Haruka Ayase) na tubong Kanbal at si Chagum (Masahiro Higashide), ang prinsipe ng Yogo.

Hahanapin nila ang susi kung paano mapapataob at mapapatigil sa pananakop ang prinsipe ng Talsh na si Rawul. Sa kanilang paglalakbay ay malalaman ni Balsa ang sekreto ng kanyang pinagmulang bayan, ang Kanbal, habang makakahanap naman ng kakampi si Chagum mula rito at sa Rota. Magawa kaya nilang magtagumpay sa pakikipaglaban sa Talsh?

Masusubukan ang galing ni Balsa sa sibat kapag nakaharap na niya ang sakim na hari ng Kanbal na si Rogsam. Ano ang kahalagahan ni Rogsam sa tagumpay nila? At paano mapipigilan ang paghahasik ng kasamaan ni Prinsipe Rawul ng Talsh?

Subaybayan ang Moribito Final simula ngayong Hunyo 25, 8:50 ng umaga sa GMA-7.
Tsika at Intriga

Nakaranas ng binat: Kylie Padilla, apektado sa nanay na sinunog 3 anak