PUMANAW ang ama ng fashion designer na si Kate Spade mahigit dalawang linggo matapos ang pagpapakamatay ng kanyang anak, kinumpirma ng pamilya nitong Huwebes.
Mahina na ang pangangatawan ni Earl F. Brosnahan Jr., 89, at siya ay “heartbroken over the recent death of his beloved daughter,” saad sa pahayag ng pamilya Brosnahan.
Si Earl, kilala sa kanyang pamilya at mga kamag-anak bilang Frank, ay pumanaw nitong Miyerkules ng gabi sa kanyang bahay sa Kansas City, Missouri. Hindi binanggit ng pamilya ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Si Kate, 55, isa sa anim na anak ni Pete, ay natagpuan sa New York City apartment nito noong Hunyo 5.
Makaraan ang pagpanaw, sinabi ng asawa ni Kate na si Andy—katuwang niya sa pagtatayo ng accessories empire na nakilala sa makukulay na handbags—na dumanas ang asawa ng depression at anxiety sa nakalipas na mahigit 15 taon, ngunit walang indikasyon na wawakasan nito ang sariling buhay.
Si Earl ay nagtrabaho sa construction business ng kanyang pamilya. Inulila niya ang kanyang misis na si Sandy, limang anak at walong apo.
-Reuters