“FEELING sikat, eh. Wala naman nakakakilala sa kanya, hindi naman pinagkakaguluhan.”
Ito ang kuwento sa amin ng aming patnugot na si Bossing DMB tungkol sa batang aktor na nakasabay niya sa eroplano patungo sa isang out of town coverage.
Ang binabanggit na batang aktor ay dating maraming projects, pero sa hindi malamang dahilan ay naging madalang na siyang mapanood sa telebisyon, at pawang out of town invitations ang pinagkakaabalahan niya.
Pero kahit na bihirang mapanood ang batang aktor ay mayabang pa rin siyang umasta. Ito rin pala ang dahilan kung bakit iritable sa kanya ang mga nakatrababo niya sa production noong kasagsagan niya sa mga teleserye.
Kuwento ni Bossing DMB: “Naka-shades at naka-hoodie na ako lang yata ang nakapansin kasi kilala ko siya, artista siya, eh. Tapos pag-upo, natulog na. Hanggang makarating na kami sa pupuntahan naming, at nagtanggal na siya ng hoodie niya, wala pa ring pumansin. Pagdating na sa loob ng airport, tinanggal na niya ang shades, wala pa ring pumapansin. So, ibig sabihin, hindi siya sikat? Hindi siya kilala? E, anong inaasta-asta niyang yabang, eh, waley naman pala?”
Tanda ko na ang kuwentong ito ni Bossing DMB na sa nasabing out-of-town coverage niya nalaman na umalis na ng TV network ang batang aktor, at bumalik na sa network kung saan siya nadiskubre.
Sana nga ay mapasikat ulit ng TV network ang batang aktor, na sila rin naman ang naka-diskubre noon. In fairness, mabait ang magulang niya, ewan lang bakit ‘tila naiba ang ugali niya.
-Reggee Bonoan