MUKHANG bet ng Pinoy fans ang Fake Love music video ng K-pop boy band na BTS.

BTS

Lumabas na kabilang ang Pilipinas sa top 20 na mga bansa kung saan pinakapopular ang music video.

Ayon sa YouTube, nanguna ang Vietnam sa listahan, kung saan pinakapinanood ang Fake Love MV mula Mayo 18 hanggang 29, kasunod ang US, South Korea, Indonesia at Pilipinas. Pasok sa ikaanim na puwesto hanggang ikasampu ang Japan, Brazil, Mexico, Thailand at Taiwan.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Pang-11 ang Malaysia na sinundan ng Turkey, Peru, Argentina, India, United Kingdom, Russia, Germany, Chile at France.

In-upload ang Fake Love music video nitong Mayo 18 at kahapon ay nakakuha na ito ng 132 million views sa YouTube.

Samantala, pumangalawa ang Love Yourself: Tear album ng BTS sa Billboard 200 sa second week para sa period na magtatapos sa Hunyo 9, pagkatapos maging No. 1 sa chart. Nakatanggap na ito ng 135,000 equivalent album units sa unang linggo at 46,000 sa sumunod na linggo.

Naging napakaganda ng nakaraang linggo para sa BTS sa Billboard. Namayagpag ang Fake Love sa No. 10 sa Billboard Hot 100, unang pagkakataon para sa isang K-pop group, at nanguna rin ang single sa Digital Song Sales chart at pasok sa No. 7 sa Streaming Songs chart.

Nakuha rin ng BTS ang No. 1 spot sa Billboard Artist 100 chart, una sa kasaysayan ng K-pop act.

Nadomina rin ng idol group ang top spot sa Billboard’s Social 50, Ang kanilang ika-76 na pagkakataon na pagkamit sa No. 1 spot sa chart.

Ayon pa sa Billboard, ang chart “ranks the most popular artists on Facebook, Twitter, Instagram, YouTube, Wikipedia and Tumblr.”

Nag-release ang BTS ng extended version ng Fake Love music video sa YouTube nitong Hunyo 1, na nakakuha na nine million views to date.

Sa Korea, walong TV music show trophy na ang naiuwi ng BTS para sa kanilang Fake Love single.

-JONATHAN HICAP