Ipinasa ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang lumilikha ng 150 posisyon sa Judges-at-Large para matugunan ang kakulangan ng mga huwes sa bansa.
Pinaboran ng 176 na kongresista ang panukalang inakda ni Rep. Tricia Nicole Velasco- Catera.
Ang Judges-at-Large ay tumutukoy sa mga hukom na walang permanenteng salas kung kaya maaari silang italaga ng Supreme Court bilang Acting o Assisting Judges sa alinmang “regional, city or municipal trial court in the Philippines, as public interest may require.”
Itinatadhana ng panukala ang paglikha ng 100 Judges-at-Large positions para sa Regional Trial Courts, at 50 sa Municipal Trial Courts.
-Bert De Guzman