Ni Reggee Bonoan

ISA sa highlights ng 348th Araw ng Makati sa Sabado, Hunyo 9, ang Miss Makati Coronation Night sa Globe Circuit Event Grounds, na kalahok ang 16 na kandidata sa lungsod.

May pagkakaiba ang beauty contest na ito dahil walang itatampok na swimsuit competition, kaya malinaw na hindi magpapakita ng kaseksihan ang mga kandidata. 

Handa namang magpatalbugan sa kani-kanilang swimwear ang mga kandidata, pero binawalan sila ng organizer ng event at mag-focus na lang daw sa iba nilang talents, bukod pa sa mas gustong pag-usapan ang kanilang advocacies para sa Makati.

Alden Richards, sumadsad sa ‘rock bottom’ ang mental health

Ang 16 na maglalaban para sa Miss Makati 2018 ay sina Alexis Micaela Simbulan, Cristelle Unisa Laquian, Karla O’Hara, Dana Ashley Mayo, Cristine Allen Rada, Maria Kathleen Agulto, CJ Viray, Henna Santos, Clarice Gutierrez, Irina Cortez, Millen Cueto, Andrea Yap Diangco, Fatima Thamara Loong, Maria Frencheska Nueva, Diana Rose Santos, at Aya Frances Cruz.

Ang kokoronahang Miss Makati 2018 ay mag-uuwi ng P200, 000, P150,000 sa Miss Makati Tourism, at P100,000 para sa Miss Makatizen.

Hunyo 1 pa sinimulan ang events sa Makati, para sa Makisalo sa Almusalan, Makisalo Marker, Vin D Honneur. Grand parade at street party naman ang itinampok kahapon, Hunyo 2. 

Ngayong Linggo, Hunyo 3, naman idaraos ang Family Day at ang Matina’s Arts & Crafts Corner sa Makati City Hall Quadrangle; may Sayaw Galaw (Museo ng Makati) sa Lunes; Pineapple Jam sa Poblacion Park sa Martes; Movie Under the Stars sa Globe Circuit event grounds sa Miyerkules; Job Fair sa Glorietta Activity Center at Throwback Thursday sa Barangay Bel-Air covered court sa Huwebes; Night Market x Interactive Art sa Plaza Cristo Rey pagsapit ng Biyernes; at The Grand Salu-Salo sa Lawton Street sa Linggo, Hunyo 10.