NAKAHANDA na si Kendra Wilkinson para tahakin ang susunod na kabanata ng kanyang buhay.

Kendra

Idinokumento ng reality star, na nagsampa ng divorce sa laban sa kanyang asawang si Hank Baskett noong Abril, ang kanyang paglipat ng bahay sa Instagram nitong Lunes, kabilang ang pag-iimpake ng kanyang mga gamit.

“I’m starting to box things up and my heart can’t hurt any more. I need prayers n strength today. I worked so hard for my home,” post ni Wilkinson, 32, sa kanyang Instagram Story, kasama ang litrato ng kahon na walang laman.

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika

“My pride and joy wall is coming down,” caption ng mother of two sa larawan ng framed family portraits ng kanyang anak na sina Hank IV, 8, at Alijah Mary, 3.

Noong Abril, nagsampa ang dating Playboy model ng diborsiyo mula sa dating football player, 35, dahil umano sa hindi maayos na pagkakaiba ng mga gusto at ayaw nila, ayon sa mga document na nakuha ng PEOPLE. Isinaad niya na opisyal silang naghiwalay noong Enero 1.

Humihiling naman ang TV reality star ng joint legal at physical custody para sa kanilang dalawang anak at nais din niyang ibalik ang apelyidong Wilkinson, na apelyido niya noong dalaga pa siya.

“I’m doing the best I can in my life with the cards I’ve been dealt and I will continue to do that. I’m hurt because the world I thought was promised to me forever is now coming to an end,” caption ni Wilkinson sa kanyang Instagram post nitong Lunes.

“I’m not perfect with the way I’m reacting to my pain sometimes but I am getting stronger,” pagtutuloy. “My kids, mom, dad, friends n therapy have been helping. I’ll be able to breathe again soon. Love will always win in my heart and will never go a day without being there for the people I love n yes him. Even with the pain I’m experiencing.”

Ginawa ito ni Wilkinson pagkaraan ng dalawang araw mula nang idokumento niya ang biyahe sa Las Vegas na magkasama silang nag—cheer sa paglalaro ng kanilang anak ng hockey game. “Proud papa,” saad niya sa captioned sa litratong kuha sa mag-ama.