ABOT hanggang sa PBA All-Star Games ang matiding hidwaan sa pagitan ng grupo ng San Miguel Corporation at MVP group.
Batay sa pagkakapili ng PBA management, tatayong coach sina Norman Black ng Meralco, Yeng Guiao ng NLEX at Nash Racela (TnT Katropa) ang siyang hahawak sa Gilas Pilipinas squads na haharap sa tatlong All-Star Selections na gagabayan naman ng SMC coaches sa darating na mid season spectacle na gaganapin sa Mayo- 23 - 27.
Sina Black, Guiao at Racela ang magti-take over sa coaching chore mula kay national team mentor Chot Reyes.
Makakatapat nila ang tatlong All-Star teams na gagabayan naman ni Barangay Ginebra coach Tim Cone (Mindanao), coach Leo Austria ng San Miguel (Luzon), at Magnolia’ mentor Chito Victolero (Visayas).
Si Black ang uupo para sa national squad kontra sa Mindanao All-Star sa Digos, Davao del Sur sa Mayo 23 ,si Guiao naman sa Mayo 25 kontra Luzon selection sat Batangas City at si Racela sa Mayo 27 sa larong gaganapin sa Iloilo City kontra Visayas All-Star.
Marivic Awitan