KINILALA ng Rotary Club of Manila ang natatanging kontribusyon ng ABS-CBN sa media at hinirang na Television Station of the Year. Ginawaran din ng tropeo ang pito nitong beteranong mamamahayag sa iba’t ibang kategorya.

Panalo si Ted Failon ng TV Patrol bilang Male Television Broadcaster of the Year at si Annalisa Burgos naman ng Early Edition ang nanalong Regional Female Broadcaster of the Year. Nanalo rin sina Doris Bigornia at RG Cruz ng Television Female Reporter of the Year at Television Male Reporter of the Year.

Sa kategoryang AM radio, ginawaran ng Male Radio Broadcaster of the Year ang DZMM Radyo Patrol 630 anchor na si Vic de Leon Lima. Nagwagi rin ang ABS-CBN DXAB Davao anchor na si James Galay at Rosemarie Ann Diaboro bilang Regional Male Broadcaster of the Year at Regional Female Broadcaster of the Year.

Inilunsad ang Rotary Club of Manila Journalism Awards noong 1966 upang kilalanin ang natatanging kontribusyon ng mga indibidwal sa print, radio, at telebisyon, upang suportahan ang pag-unlad ng pamamahayag sa Pilipinas. Isa ito sa mga pinakakilalang award-giving body sa larangan ng pamamahayag.
Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'