Nina Genalyn D. Kabiling at Leonel M. Abasola

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng yumaong si Senador Edgardo Angara, at nagbigay-pugay sa “humble, quiet diplomat”.

Lagpas hatinggabi na ng dumating ang Pangulo sa burol ng namayapang Senate President sa Heritage Park sa Taguig City para makiramay sa pamilya Angara.

Sa chance interview ng mga mamamahayag, ginunita ni Duterte si Angara na kanyang “defender” sa gitna ng alitan niya sa European Union. Simula Mayo 2017, nagsilbi si Angara bilang special envoy to the EU ng Pangulo at sinikap na mapahupa ang tensiyon sa pagitan ni Duterte at ng regional bloc.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

“Nasa Malacañang noong isang araw. Siya ang tagatanggol sa bunganga ko sa EU. Hindi kami magkaintindihan ng mga puti,” ani Duterte. “Senator Ed Angara is humble quiet person pang diplomat talaga. I can never be one ever.”

Samantala, magkakaroon ng necrological service para kay Angara sa Senado ngayong araw. Kabilang sa mga magbibigay parangal-luksa sina dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo at Joseph Estrada, at dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.