August 18, 2026

Home BALITA

PAGASA: Water level ng 8 dam sa bansa, tumaas!

PAGASA: Water level ng 8 dam sa bansa, tumaas!
Photo courtesy: MB


Umangat ang lebel ng tubig sa walong pangunahing dam sa bansa, as of 8:00 ng umaga ngayong Martes, Agosto 18, base sa datos na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kasunod ito ng nagpapatuloy na pagbuhos ng malalakas na ulang dala ng southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, nakitaan ng pag-angat sa antas ng tubig ang Angat, Ipo, La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya Dam.

Anang ahensya, umangat ang water level ng Angat Dam sa 184.86 meters—mas mataas sa talang 183.73 noong Lunes, Agosto 17.

Tumaas din ng 0.29 meters ang antas ng tubig sa Ipo; 0.24 meters sa La Mesa; 0.32 meters sa Ambuklao; 2.25 meters sa San Roque; 0.50 meters sa Pantabangan; 0.21 meters sa Magat; at 0.14 meters naman sa Caliraya Dam.

National

DepEd, naalarma sa school shooting incident sa Zamboanga!



Samantala, bahagya namang bumaba ang water level sa Binga Dam, kung saan nakapagtala ito ng 574.48 meters ngayong araw—mas mababa ng 0.04 meters sa 574.52 noong Lunes, Agosto 17.