Lumutang ang usap-usapan tungkol sa pagiging bahagi umano ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kasunod na saga ng Marvel Cinematic Universe (MCU).
Sa X post ng “philippine television out of context” noong Sabado, Agosto 15, makikita ang screenshot ng ulat tungkol sa karakter na gagampanan umano ni Regine.
"BREAKING: Songbird will be introduced in the MCU's next saga," mababasa rito kalakip ang larawan ni Regine.
Dagdag pa, "She will be an official member of The New Avengers
Ngunit ni-repost ni Regine ang nasabing post noong Lunes, Agosto 17, at sinabing imbento lang umano ang nasabing balita.
Aniya, “What!!!!???? Imbento!!!!!”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ikaw lang mother ang songbird namin HAHAHAHA kaya walang choice ang MCU chareng hahaha"
"Kaya pala nag Finale concert ka kasi magiging MCU actress ka na"
"Si Ate daw tatalo kay Dr. Doom"
"Cancel daw muna retirement te"
"publicity stunt siguro na ideny tapos surprise na lang sa promo ng film "
"Abangan ka namin kween!"
"uy totoo meron nga g Song Bird sa MCU"
Matatandaang si Melissa Gold a.k.a Songbird ay superhero na bahagi ng Marvel Comics na unang nakilala bilang kalaban sa pangalang Screaming Mimi.
Mayroon siyang supersonic sound abilities na nagbibigay sa kaniya ng kakayahan para lumipad, manindak ng kaaway, at isangkongkreto ang tunog bilang isang solid physical objects.