Mula sa Reuters

HINATULANG guilty si Bill Cosby nitong Huwebes sa kasong pangangaladkad at pangmomolestiya sa naging kaibigan niya noong 2004, ang unang paghatol sa isang celebrity mula nang kumilos ang #MeToo movement, na nagpatumba sa mayayaman at makapangyarihang personalidad, laban sa maling pagtrato sa kababaihan.

Actor and comedian Bill Cosby arrives for jury selection for his sexual assault trial at the Montgomery County Courthouse in Norristown

Nahaharap si Cosby, 80, nakilala bilang mapagmahal na ama sa 1980s TV hit na The Cosby Show, ng sampung taong pagkakakulong para sa tatlong bilang ng aggravated indecent assault laban kay Andrea Constand, 45, pagkatapos ng tatlong linggong trial sa Montgomery County courthouse sa Norristown, Pennsylvania.

Tsika at Intriga

Emilienne may alam daw tungkol sa nangyari kina Joshua, Elisse; rumesbak din kaya?

Nanatiling mahinahon si Cosby sa kabuuan ng trial, ngunit sumabog na kalaunan nang hilingin ng mga prosecutor na ikulong siya, sa dahilang maaari itong makatakas dahil mayroon siyang sariling eroplano.

“He doesn’t have a plane, you asshole!” napatayong bulyaw ni Cosby sa mga ito.

Lahad naman ni District Attorney Kevin Steele sa ginawa ni Cosby, “You got to see who he really was.”

Nang basahin na ang hatol ay napatungo si Cosby na malungkot ang bukas ng mukha. Napaiyak naman si Lili Bernard, isa sa mga nagsampa ng kaso sa kanya. Nanatili namang nakaupo at walang kibo si Constand.

Ipinahayag naman ni Judge Steven O’Neill na maaaring magpiyansa si Cosby ng halagang $1 million bail, pagkaraan ng sampung taong pagkakakulong, basta isusuko nito ang kanyang pasaporte at mananatiling nasa bahay lamang.

Kalaunan ay umalis na si Cosby sa korte kasama ang kanyang mga abogado at publicist.

“The fight will go on,” lahad ni defense lawyer Thomas Mesereau sa mga mamamahayag, at sinabi niyang iaapela niya ang hatol.

Ang sentensiya ay inaasahang ipapataw sa loob ng 60 hanggang 90 araw, pagkatapos sumailalim sa “sexually violent predator assessment” ni Cosby.

Bagamat maaari siyang makulong ng sampung taon para sa bawat bilang, may suhestiyon ang state sentencing guidelines para mapababa sa sampung taon ang termino.

Ang hatol ay hudyat ng pagbagsak ng personalidad na dating binibigyang-pugay bilang “America’s Dad”, dahil sa kanyang nasirang reputasyon sa paglabas ng tinatayang 50 kababaihan na nag-akusa sa kanyang ng magkakaparehong kaso, dekada na ang nakaraan.

Samantala, ayon sa kanyang accusers, nangmomolestiya siya ng kababaihan at kinakaladkad niya o pilit na isinasama.

Isa sa mga nasabing kaso ang pinakabago na sapat para litisin, at ito ang kaso ni Constand, dating administrator ng women’s basketball team sa Temple University, alma mater ni Cosby. Wala siyang komento sa naturang hatol.

“The most important person in our team was Andrea Constand,” sabi ni Steele, ang district attorney, sa mga mamamahayag. “She was the first courageous person who stood up in public and went to authorities and said, ‘Bill Cosby drugged and raped me.’”

Nagdiwang naman si Attorney Gloria Allred, ang kinatawan ng 33 kababaihang nag-akusa kay Cosby, nang mapatunayang “guilty, guilty, guilty” ang icon.

“We are so happy that finally we can say, women are believed, and not only on #MeToo, but in a court of law,” sabi ni Allred sa mga mamamahayag.