Ni Bella Gamotea

Malubhang nasugatan ang isang senior citizen matapos tarakan sa dibdib ng nakababata nitong kapatid sa loob ng kanyang bahay sa Taguig City, nitong Miyerkules.

Nagpapagaling sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Gloria Pidar y Pelarion, 60, nakatira sa Geron Street, Block 9E Sto. Niño, Barangay Pinagsama ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang Taguig City Police laban sa suspek na si Francisca Mais y Pelarion, nasa hustong gulang, residente sa Caloocan City.

15 public schools sa Davao City, nagsuspinde ng face-to-face classes para sa kaarawan ni FPRRD

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), naganap ang pananaksak sa loob ng bahay ni Pidar, bandang 9:45 ng umaga.

Nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima at kinumpronta ang kapatid sa hindi pa batid na dahilan, hanggang sa dumampot ng kutsilyo si Mais at sinaksak sa dibdib si Pidar.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.