Ni Reggee Bonoan

TULALEY ang lahat ng nakakita kay Sylvia Sanchez sa ASAP at makailang beses siyang tinititigan kung talagang siya nga iyon habang nagpo-promote ng Mama’s Girl na ipalalabas na sa Miyerkules.

SYLVIA copy

Nagmukha kasing teenager ang 46 years old na fresh looking actress. Bumabagets si Ibyang at pati na sa pananamit.

MRT-3 GM Bongon, sinibak sa puwesto dahil sa nagkaaberyang escalator

Tawa nang tawa sa amin ang aktres nang iparating namin ang mga komento sa kanya.

“Ha-ha-ha, Beautederm’ ‘yan,” sabi sa amin.

Walang halong biro, sino ang mag-aakala na keri palang magdamit ni Ibyang ng flowery cocktail dress at mereseng kulut-kulutan ang buhok.

Di ba, Bossing DMB usually kapag kulut-kulutan ang buhok nagiging mature looking?

“Thank you sa Regal Films kasi nagtiwala sila sa akin sa ganitong role. Pero okay lang din maging losyang na mahirap kasi du’n naman ako napansin. Saka kasi nga jologs ako magsalita at kumilos kaya siyempre kung ano’ng bagay at madaling role sa akin ‘yun ang ibibigay nila na okay na okay talaga sa akin.

“Pero siyempre, habang nagkakaedad ka na maiisip mo na ring... time to reinvent, di ba. Kasi baka magsawa ang tao na paulit-ulit ang role ko na mahirap, tatanungin nila ano’ng bago? Maski may bago naman talaga sa pagiging mahirap at losyang ko kasi maraming karakter pa ang gusto kong gawin.

“Sumugal sa akin ang Regal, sina Direk Connie (Macatuno) at sinabi nga baguhin ko itsura ko, natuwa ako kasi may bago akong ipapakita sa Mama’s Girl,” kuwento ng aktres.

Nasanay na ang mga manonood sa mga naging karakter ni Ibyang sa teleserye na laging mahirap, losyang, umiiyak-iyak at laging inaapi. Gaya sa Hanggang Saan na tindera ng barbeque at mag-isang binubuhay ang mga anak na nasangkot pa sa gulo kaya nakulong.

Kaya abut-abot ang pasasalamat niya kina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo na binago ang itsura niya sa Mama’s Girl.