Ni Annie Abad

HINIKAYAT ni Philippine Sports Commission (PSC) Senior Sports and Games Regulation Officer Annie Ruiz ang lahat ng sports enthusiasts na bumisita, sa Philippine Sports Museum sa Vito Cruz Manila.

Ayon kay Ruiz, ang nasabing museum ay binuo upang magbigay parangal at ipaalala sa mga taong bayan ang lahat ng karangalan na ibinahagi ng ating mga bayaning atleta para sa bayan.

“Ang sports museum po ay para ipakita ang mga karangalan at ang mga naiambag ng mga sports heroes natin buhat noon pa way back 1950’s hanggang sa kasalukuyan,” ani Ruiz.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Karamihan sa mga medalyang naka display sa naturang museum ay ang eksaktong medalya na napanalunan ng mga atleta natin sa kanilang pagsabak sa mga kompetisyon,gaya ng Seagames, Asian gaes, Asiad at Olympics.

Kabilang sa mga matatagpuan sa nasabing museum ay ang mga litrato, nina Teofilo Yldefonso, Carlos Loyzaga, Eugene Torre, Paeng Nepomuceno, Elma Luros, Lydia de Vega, Anthony Villanueva, Eric Buhain, Bea Lucero, Onyok Velasco at marami pang iba.

Nanawagan din si Ruiz sa mga pamilya ng mga sports great o ang mga mismong atleta na nakapag ambag ng karangalan sa bansa na magdonate ng kanilang mga medalya, o kahit na anong memorabilia na maaring idisplay sa nasabing museum.

Plano din umano ng PSC na palakihin pa ang espasyo ng nasabing museum upang makapag lagay ng mas marami pang memorabillia para sa pagkilala sa ating mga atleta.

“Our Chairman Butch Ramirez is planning to get a bigger place para sa museum. kasi nga mas marami pa tayong mga atleta na maguuwi ng karangalan sa bansa. gaya ni ms. Hidilyn diaz, hindi pa namin nakukuha yung memorabilia niya which is yung replika ng medal niya sa Olympic, pero inayos na ngayon yun” aniya.