Nagkasa ng cleanup operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos ang pagkalat ng mga basura dahil sa isa umanong garbage truck na bumagsak.
Ayon sa ulat na ibinahagi ng MMDA sa kanilang Facebook page nitong Martes, Agosto 10, sinabi nilang isinagawa ng MMDA Metro Parkways Clearing Group (MPCG) ang paglilinis sa northbound sidewalk ng EDSA-Q-Mart, Kamias, Quezon City.
“Nilinis ng mga tauhan ng MPCG ang mga nagkalat na basura upang maibalik ang kalinisan at kaayusan ng sidewalk at matiyak ang maayos na pagdaan ng mga pedestrian,” saad ng MMDA sa kanilang ulat.
Anila, umabot sa pitong sako ng basura ang nakalap sa naturang insidente.
“Patuloy ang MPCG sa agarang paglilinis ng mga pampublikong lugar upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng Metro Manila,” anang MMDA.
Sa hiwalay na ulat noong Lunes, Agosto 17, 420 sako naman ng basura ang nakolekta ng ahensya sa ginanap nilang cleanup operations sa coastal dike sa Barangay Bagumbayan North, Navotas City.
Nakuha sa operasyon ang iba’t ibang uri ng basura gaya ng plastik, kahoy, kawayan, at iba pa.
MAKI-BALITA: 420 sako ng basura, nahakot sa coastal dike sa Navotas City!-Balita