Ni: Mary Ann Santiago

Patay ang isang construction worker nang pagtulungang saksakin ng kanyang mga kainuman sa construction site sa Barangay Kapasigan, Pasig City, nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot si Albert Ola, nasa hustong gulang, bunsod ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang kapwa arestado at kakasuhan ng homicide sina Junel Navidad at Apolonio Navidad.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, nabatid na dakong 7:00 ng gabi nang mangyari ang krimen sa loob ng kanilang pinagtatrabahuhang construction site sa Alcalde Jose Street sa Bgy. Kapasigan.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Nauna rito, nagkayayaan ang magkakatrabaho na mag-inuman sa loob mismo ng construction site upang magpaantok, pero sa gitna ng inuman ay nagtalo ang biktima at mga suspek.

Maya-maya ay nagbunot na ng patalim ang mga suspek at pinagtulungang saksakin ang biktima.