Ni: PNA

KUMPIYANSA si Paralympian Josephine Medina na mapapabilang siya sa World Para Table Tennis Championships sa susunod na taon sa Slovenia.

Sa kasalukuyan, ang bronze medalist sa 2016 Rio Paralympic Games ay nasa Top 10 sa world ranking ng women’s Class 8 category. Hawak niya ang rating na 1337.

Tangan ni Medina ang kabuuang 160 puntos, 30 puntos para sa limitadong marka na kailangan para magkwalipika sa World Championships na nakatakda sa Oct. 15-21.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“By next year, they will release the qualified players. I’ve already met the tournament credit factor of 130 points for the Asian Region and as of November, I am No. 7 in my category,” pahayag ng 46-anyos na si Medina.

Nangunguna si Chinese Mao Jingdian na may 1566, kasunod sina Thu Kamkasomphou ng France (1486), Aida Dahlen ng Norway (1455), Juliane Wolf ng Germany (1411), Zu Mingyu ng United States (1374) at Zsofia Arloy ng Hungary (1341).

Nasa No.8 si Elena Litvinenko ng Russia kasunod sina Chinese players Yu Hailian (1156) at Li Guiying (1094).

Nakopo ni Medina ang 80 puntos sa napagwagihang gintong medalya sa PTT Thailand Open at US Open Para Championship sa Las Vegas, Nevada.

Kamakailan lang, nagwagi siya ng dagdag na 80 puntos sa PTT Thailand Open sa Suphanburi City at 4th Taichung Table Tennis Open sa Chinese Taipei.

“I hope and pray to qualify. It’s like the Paralympics, it’s hard to qualify,” pahayag ni Medina.

Target din ni Medina, gold medalist sa ASEAN Para Games sa Malaysia nitong Agosto, ang gintong medalya sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia.

Ang 2018 World Championships sa Slovenia ang unang World title tournament niya mtapos ang 2016 Rio Paralympic Games.