Ni: Rommel P. Tabbad
Sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre, asahan na ang mas malamig na panahon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, sa panahon ng northeast monsoon o hanging amihan ay makararanas ng malamig na hangin ang bansa na nagmumula sa Siberia at China.
Idinagdag ng PAGASA na posibleng maramdaman ang hanging habagat hanggang Pebrero ng susunod na taon.
Sasabayan din ito ng paghagupit ng tinatayang limang bagyo bago matapos ang 2017, ayon pa sa PAGASA.