NI: Rommel P. Tabbad
Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red alert ang buong Luzon grid kasunod ng pag-shutdown ng ilang power plant sa rehiyon.
Ayon sa NGCP, dakong 11:00 ng umaga nang simulan nila ang pagpapatupad ng red alert sa Luzon grid.
Binanggit ng NGCP na manipis na ang reserba nilang kuryente dahil na rin sa pagtaas ng demand ng mga consumer.
Ipinaliwanag ng NGCP na aabot lamang sa 9,083 megawatts ang available capacity ng Luzon grid, habang ang peak demand ay aabot sa 9,051 megawatts.
Sinabi ng ahensiya na kabilang sa mga nagsarang planta ang Calaca 2, GN Power 2, Masinloc 1, Sual 2 at Pagbilao 1.