NI: Jeffrey G. Damicog

Sasagutin bukas, Oktubre 19, ng mga suspek sa pagpatay sa mga teenager na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman ang mga reklamong isinampa laban sa kanila.

Ang nasabing petsa ang ipinagkaloob na palugit ni Senior Assistant State Prosecutor Emilio Victorio, na namamahala sa panel of prosecutors na humahawak sa kaso nina Arnaiz at De Guzman, sa taxi driver na si Tomas Bagcal at Caloocan City pulis na sina PO1Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita upang maghain ng kani-kanilang counter-affidavits.

At kapag sila ay nabigong maghain, hindi ikokonsidera ng panel of prosecutors ang kani-kanilang depensa sa resolusyon na ilalabas nito.

Politics

86.9% sa solons na kumandidato at pirmado sa impeachment ni VP Sara, reelected sa Kamara!

Nitong Oktubre 9, sinimulan ng panel ang preliminary investigation sa mga inihaing reklamo ng mga magulang nina Arnaiz at De Guzman noong Setyembre 14.

Sa nasabing reklamo, inaakusahan ang tatlong respondents ng double murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code (RPC).

Bukod dito, kinasuhan ang dalawang pulis ng paglabag sa Anti-Torture Law.