Ni: Fer Taboy
Nasunog ang isang closed van na isa sa tatlong nagkarambolang sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) kahapon.
Base sa report ng NLEX Traffic Management Office, naganap ang insidente sa southbound lane, malapit sa Shell of Asia, sa Sta. Rita Interchange, bandang 7:40 ng umaga.
Ayon sa NLEX-TMO, nagkabanggaan ang van, truck, at kotse bago tuluyang nagliyab ang van.
Agad naapula ang apoy at iginilid sa emergency lane ang mga sasakyang sangkot sa insidente.
Dahil dito, sumikip ang daloy ng mga sasakyan sa northbound at southbound lanes ng NLEX.