Ni: Mary Ann Santiago

Patay ang isang motorcycle rider nang makasagian nito ang isang kotseng nakasabay sa kalsada sa Barangay Bagong Ilog, Pasig City kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Melvin Pangan Lacap, nasa hustong gulang, na nagtamo ng matinding sugat sa ulo at katawan habang kusang-loob na sumuko ang suspek na si Lida Atanoza Geraldo na nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Sa ulat ng Pasig City Police sa Eastern Police District (EPD), naganap ang aksidente sa Pasig Boulevard sa Bgy. Bagong Ilog, bandang 3:00 ng hapon.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo at binabaybay ang Pasig Boulevard at nakasabay ang Mazda 3 (ZDB-322) ng suspek.

Nagkabanggaan ang huling kaliwang gulong ng kotse ni Geraldo at ang unahang gulong ng motorsiklo ni Lacap kaya sumemplang at tumilapon ang huli sa kalsada.