Ni: Mary Ann Santiago

Patay ang isang lalaki nang pagtulungang bugbugin at pagsasaksakin ng tatlong lasing na magkakapatid sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Jerome Globio, nasa hustong gulang, ng Barangay Pinagbuhatan ng nasabing lungsod, dahil sa mga saksak sa katawan habang nakatakas naman ang mga suspek na kinilala lamang na sina “Ikong”, “Tino”, at “Rudy”.

Sa imbestigasyon ng Pasig City Police, naganap ang krimen sa Peacock Street, Pinalad Road, Bgy. Pinagbuhatan, dakong 11:45 ng gabi.

Una rito, naglalakad pauwi ang biktima mula sa inuman at pagsapit sa pinangyarihan ay nakasalubong nito ang mga suspek na noon ay pawang nasa impluwensiya rin ng alak.

Probinsya

Halos 700 katao, naitalang lumabag sa 'topless ordinance' sa loob ng isang linggo sa Davao City

Nagsalita umano ng hindi maganda ang mga suspek na narinig ni Globio kaya nauwi sa kumprontasyon hanggang sa pinagtulungang gulpihin ng mga suspek ang biktima at saka pinagsasaksak.