Ni: Bella Gamotea

Patay ang isang Filipino-Chinese makaraang tambangan ng tatlong hindi pa nakikilalang armado habang sakay sa kanyang sports utility vehicle (SUV) sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital si Zhizhu Wu, 53, ng No. 31 Unit 168, No. 877 Alvarado Street, Binondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, naganap ang pamamaril sa EDSA extension, dakong 2:20 ng madaling araw.

National

VP Sara sa mababang boto ng Alyansa senatorial bets: ‘It's because of the President!’

Sakay ang biktima sa kanyang puting Toyota Previa (ZPB-297) at binabaybay ang nasabing lugar nang sumlupot ang mga suspek na sakay sa isang motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Agad humarurot ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ang 22 basyo at isang metallic jacket ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.