Ni: Mary Ann Santiago

Panibagong dagdag pasanin para sa mga consumer ng Manila Electric Company (Meralco) ang 13 sentimo kada kilowatt hour (kWh) na itataas sa singil sa kuryente ngayong Agosto.

Sa abiso ng Meralco, nabatid na ang dagdag-singil ay dahil sa pagtaas ng generation charge.

Nilinaw din ng Meralco na naibawas na sa nasabing halaga ang ikatlong bugso ng P0.79/kWh refund na bahagi ng P6.8-bilyon “over-recoveries” mula 2014 hanggang 2016.

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan

Dahil dito, madaragdagan ng P26 ang bayarin ng mga kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan, P39 naman sa 300 kWh, P52 sa 400 kWh, at P65 sa 500 kWh.