Ni: Orly L. Barcala

Dahil sa tuberculosis, tuluyang winakasan ng isang padre de pamilya ang kanyang buhay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Nagsaksak sa sarili si Gerardo Evangelista, 52, ng No. 6770 Libis Espina Street, Barangay 18 ng nasabing lungsod.

Ayon kay Rico Evangelista, 32, anak ng biktima, umakyat siya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay upang silipin ang ama, bandang 4:30 ng hapon.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Nataranta siya nang makita ang umaagos na dugo sa kanilang hagdan hanggang sa tumambad sa kanya ang bangkay ng ama na nakasandal sa pader at may saksak sa leeg.

Ayon pa kay Rico, bago ang insidente ay humingi sa kanya ng kutsilyo ang ama, saka umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay at nagsabing matutulog.

Problemado si Gerardo, ayon kay Rico, sa tuberculosis.