Ni: Mary Ann Santiago

Patay ang isang drug suspect, na itinuturing na No. 1 high value target (HVT), nang pagbabarilin ng tatlong armado sa Morong, Rizal kamakalawa.

Agad nasawi si Elmer Pantaleon, alyas Kumag, 53, ng Barangay San Guillermo, sa Morong, dahil sa mga tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Morong Municipal Police Station, biglang sumulpot at pinagbabaril ng mga suspek, na sakay sa motorsiklo at sa Toyota Vios na walang plaka, ang biktima sa Sitio Tabing Ilog, sa Bgy. San Guillermo, bandang 4:30 ng hapon.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Nang makitang bumulagta si Pantaleon, mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.